Kasabwat ang mga matang piniling pumikit kaya mayroong hindi na namulat.
Tag Archives: filipino
Ningas Kugon
2022 April 09
sekakto
Hindi ba’t kamangha-mangha kung paanong nagtatagpo ang bawat pangyayari? Saktong lahat ng elemento, karakter, at damdamin ay nagsasalubong sa iisang sitwasyon na babago sa buhay ng bawat isa. Ang tanging pagkakaiba ay ang paraan ng pagharap sa mapait na realidad. Sa kwento ni Mal, may isang nananatili – ang pagdanak ng dugo upang huminto ang pagdurugo.