MAY SIMULA SA KATAPUSAN

May mga tanong na ibinabato sa atin na mas matikas pa tayo kung tanggihan sagutin. Maaaring dahil sa binubuksan nito ang mga alaalang pilit natin tinatakasan, kinakalikot ang kaibuturan ng emosyong ikinandado na, o dahil sagad na tayong kinukunsume ng mga tanong na iba dapat ang sumagot. Hindi rin natin masisisi ang mga sarili, madaya kasi minsan ang buhay. Gayunpaman, tayo lang din mismo ang may kakayahan upang hindi magpatuloy nang may pinagtataguan.

Design a site like this with WordPress.com
Get started