Tuwing eleksyon, naririndi na tayo sa mga paulit-ulit na pangako. May ilan pa ring kumakagat dito dahil sa pag-asang baka sila na nga, sa ilang politiko na nagdaan, ang maaaring tumupad ng mga pangakong napako na. May iba na, ayaw na. Sawa nang tumaya dahil gaano man kaganda ang salita, nasanay nang hindi naman talaga ito magagawa.
Ngunit ngayon, may mga subok na. Kumakatok sila hindi para mag-alok lang ng mga salita na sa kampanya lang maririnig. Bagkus, kongkretong plano ang kanilang inilalatag para siguraduhing may magandang mangyayari. Hindi agarang mababago ang nabubulok na sistema sa gobyerno ngunit lalo nating kailangan masiguro na kung aayusin na, ngayon na mismo. Sila #LeniKiko, may dahilan kung bakit tumatakbo – higit sa sarili, para sa lahat ng Pilipino.
Bisitahin ang mga link na ito para lalo pa silang makilala:
07 Kiko Pangilinan: https://kikopangilinan.com/
10 Leni Robredo: https://www.lenirobredo.com/
Doon Tayo Sa May Plano
Aminin,
sawa na tayo sa mga pangakong paso –
paulit-ulit ngunit pumapatok dahil umaasa pa rin;
may mga sumuko na, bahala na
pare-pareho lang diumano ang mga plataporma
kung may proyekto man, hindi umaabot sa kanila
minsan, sila pa ang agrabyado kasi naniwala
Ngunit ngayon,
tiyak na may magagawa dahil higit sa pangako
may plano ang #LeniKiko para matupad ito;
maniwala ka lang, kongkreto ang mga plano
hindi guhit sa hangin o tubig na sa kampanya lang maririnig
maaaksyunan kasi tunay na tao ang nasa isip
tunay na kakampi; handang makinig kung magkamali
Doon tayo sa may plano
hindi patatahimikin dahil nasa kapangyarihan
bagkus ginigising pa ang natutulog na diwa ng sambayanan
— Maria ![]()