Good evening! This is an entry to #TulangPabilang2022. I am quite busy these days, still writing, but academically. I am looking forward to this weekend though! Because my creativity will be spent on my passion project – we thought we cannot. Yay! How about you? What are your plans this weekend?
Hindi Aabot ng Sampu
hindi ko na hinihintay ang pagdating ng sampu para maintindihang hindi ako maaaring mag-isa.
pitong taon ang lumipas na malayo sa amin,
hindi mapigil dahil para raw sa kinabukasan namin
bagamat naiintindihan, hindi na maibabalik
ang lumayong loob na lalong sumama sa anim na minuto
pilit akong pinatatahimik dahil pinagtatanggol ang sarili
gusto lang namang maranasan ang labas, ‘di na ako bata
limang beses inulit na hindi kailangang sa iba sumaya
maaari naman sa bahay, ligtas pa
ngunit napapaos din ang boses na hindi nagagamit
sa apat na sulok nitong bahay ay nais nang umalis
hanggang kailan pilit ikukulong ang tatlong bituin?
mabigat ang pasaning pinabibitbit, hindi maiahon sarili
pilit mang ilaban ang karapatan ngunit tatak ay dalawa
panganay na anak, sa klase’y laging nangunguna
hanggang hindi sapat ang napapatunayan kahit pumikit
kagat dila kong tatanggapin na ako ay mag-isa dahil…
(basahin ulit sa umpisa)
— Maria 🌊