KATHA 01
After weeks of distressing myself over unanticipated adulthood, I decided to write about an idea that has been bugging my head since. This piece is a sneak peek to a story that I’ve been wanting to write as a book (and by miracle, be adapted into a movie, wew) from the first months of 2021. I can’t call this an excerpt because I haven’t written it yet but this is somehow a gist of what it is about.
It is written in Filipino.
Trigger warning: Violence, blood, abuse. Reader discretion advised.
s e k a k t o
(segundong huli sa akto)
Hindi ko mapigilang matuwa tuwing umuulan. Ang bawat pagpatak ng ulan, tilamsik ng putik kapag inaapakan, at ang malamig na simoy ng hangin ang nagbibigay sa akin ng kapayapaan at kalayaan. Noong bata ako, hindi ko malilimutan kung paanong hinayaan ako ng ‘Nay na magtampisaw sa ulan. Kung gaanong aligaga ang mga kapitbahay na kunin ang mga sampay at papasukin ang kanilang mga anak para hindi mabasa, ay siya namang pagtatalon at takbo ko sa kalsada.
Kahit ba na halos hindi ko na makita ang paligid, malinaw pa rin sa aking alaala nung sinamahan ako ni ‘Nay sa pagligo sa ulan. Hinawakan niya ang aking mga kamay at inikot ako. Sumayaw kami sa gitna ng ulan. Nagtatawanan. Hindi alintana na pwedeng magkasakit.
Si ‘Tay naman ay may hawak na payong. Ayaw niyang maligo sa ulan pero sinamahan pa rin niya kami. Hawak ang lumang camera, kinuhanan niya ang paglalaro namin ni ‘Nay. Iyon ang pinakamasaya kong alaala.
Kahit iniwanan ako ng mga magulang, hindi kailanman nagkulang ang aking mga lolo at lola sa pagbibigay ng pagmamahal. Sapat na ‘yon sa akin.
Bigla akong bumalik sa wisyo dahil sa malakas na pagkulog. Nanlaki ang mata ko nang makita na may hawak akong matulis na bahagi ng basag na vase. Nakaangat pa ang braso ko sa ere. Pagtingin ko sa baba, nakasandal sa sofa ang naghihingalong katawan ni ‘Tay. Nagkalat ang dugo sa katawan niya mula sa sugat sa leeg. Anong nangyari? Anong ginawa ko?
“Mal… Bakit?” Lumingon ako at nakita si ‘Nay na puro pasa ang mukha. “Dapat hinayaan mo na lang siya. Handa naman akong mamatay.”
Sinong… Sinong nanakit kay ‘Nay? Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha. Anong nangyari? Saan galing ang mga pasa? Si ‘Tay, duguan… Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Nanginginig kong tiningnan ang mga kamay at ang dugong tumutulo mula sa hawak kong babasagin. Ako ba…
“Mal… Apo…” Bumalik ang tingin ko kay ‘Tay. Kita sa mata niya ang sakit at pagsisisi. Ilang segundo lang, ipinikit na rin niya ang mga mata. Sumigaw naman ng malakas si ‘Nay.
Sabay rin sa lakas ng pagkulog ang pagbangon ko sa higaan. Tumatagaktak ang pawis ko. Hinihingal din ako pagkagising. Tiningnan ko ang katawan. Iyon pa rin ang damit ko. Walang dugo. Walang babasagin. Bangungot.
Nakahinga ako nang maluwag. Panaginip lang pala ang lahat. Masamang panaginip. Walang nasaktan. Wala akong sinaktan.
Malakas ang buhos ng ulan ngayong gabi. Imbis na payapa ang pakiramdam, kinikilabutan ako. Nagngangalit ang hangin sa paghampas sa bubong. Habang pinapakiramdaman ang panahon, nakarinig ako ng isang sigaw. Si ‘Nay ba ‘yon? Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Paglabas ng aking kwarto, bubungad agad ang salas sa baba. Kitang-kita ko kung paanong sinampal ni ‘Tay si ‘Nay.
“Tama na!” Kumaripas ako pagbaba ng hagdan. Itinulak ko palayo si ‘Tay. Nahagip niya ang mamahalin at lumang vase na nakapatong sa lamesa sa gilid ng sofa bago bumagsak.
Agad kong sinaklolohan si ‘Nay. Umiiyak siya. Ito ang unang beses na makita ko siyang hinang-hina. May pasa na ang kaniyang mukha. Galit kong hinarap si Tatay. “Kailan pa?!”
Hindi siya sumagot. Hindi ko na napigilan ang sarili at nilapitan siya. Hinila ko pataas ang kwelyo niya.
“Bakit mo sinasaktan si ‘Nay?” Sabay sa aking sigaw ang tunog ng kulog na may kasamang kidlat. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa. Pero ano man ‘yon, walang karapatan na manakit ang kahit na sino. Lalo na at… at asawa niya pa!
Inalis ni ‘Tay ang pagkakahawak ko sa kanya at tinulak ako. Kahit ba matanda na, may kalakihan pa rin ang katawan ni ‘Tay. Masakit ang pagkabagsak ko. Nang harapin ko siya ulit, nakatayo na siya sa tapat ko, may hawak na matulis na bahagi ng basag na vase at nakaambang isasaksak sa akin. Ang sigaw ni ‘Nay bago ang pagkakasaksak sa akin ang huli kong alaala bago magdilim ang paligid.
Nakatingin lang ako sa kisame habang komportableng nakahiga sa kama. Malakas ang ulan ngayong gabi. Sabi sa balita, kasama ang Guia sa Signal No. 2. Wala kaming pasok bukas. Hindi ko muna makikita ang mga kaklaseng hindi rin naman ako tinitingnan. Hindi ko kailangang gumising ng umaga. Dati, mahimbing na agad ang tulog ko nito. Kalmado lang ako.
Pero ngayong gabi, nanginginig ang katawan ko. Naririnig ko ang mabigat at mabilis na pagtibok ng puso. Para akong nagva-vibrate dahil sa tunog at pwersa ng mga bumabanggang kung ano man sa pader. Hindi na nga kapayapaan ang hatid sa akin ng ulan. Sa bawat sigaw, hampasan, at hindi ko mawari kung ano pero ayoko nang paganahin ang imahinasyon ko, naninigas ako.
Gustuhin ko mang tumayo pero… may pagbabago bang magagawa ang pakikisali sa problemang, sabi nga nila, hindi naman pambata?
______________________________________________________________________________
So. What do you think? To be honest, I do not know what to say, as well. One thing is for sure, I tried. As I said in my past post, I am thinking of posting literary pieces every 7th of the month (or when I have something). I would appreciate it if you give me comments regarding how I write, about the characters, or the story itself. I learned that constructive criticisms could go long way.
I want to improve and get better.
If you are also posting literary pieces, you may comment it below so I can read it! Let us help each other grow. Flourish, human!
Hope you had a good read and day ahead!